Ang Steem ay nagbibigay ng isang nasusukat na blockchain protocol 1 para sa pampubliko na naa-access at di-mababagong nilalaman, pati na ang isang mabilis at libreng digital na token na (tinatawag na STEEM) 2 na kung saan ay nagbibigay-daan sa mga tao upang kumita ng pera sa pamamagitan ng paggamit ng kanilang utak (na maaring tawaging "Proof-of-Brain"). Ang dalawang gusali ng bloke na ito ng protocol, ay parehong blockchain at token na, nakadepende sa isa 't isa para sa seguridad, pagiging matatag at kahabaan ng buhay, at samakatuwid ay integral sa pag-iral ng bawat isa. Ang Steem ay naging matagumpay sa pag-operate ng higit sa isang taon, at ngayon nalagpasan na ang kapwa Bitcoin at Ethereum sa bilang ng mga transaksyon na naproseso. 3
Kumpara sa ibang mga blockchain, namumukod-tangi ang Steem bilang unang hayag sa publiko ang database para sa mga hindi nababagong naka-imbak na nilalaman sa anyo ng tekstong walang pormat, kasama ng isang in-built na incentivization na mekanismo. Ginawa nito, ang Steem na isang pampublikong plataporma ng pag-lathala na mula sa kung saan mang Internet application na maaaring kang mag-pull at magbahagi ng data habang pinapabuyaan ang mga nagbibigay ng kontribusyon na may pinakamahalagang nilalaman.
Sa larangan ng mga crypto-currency, ang kakaibang katangian ng STEEM ay ang pagiging "matalino" at "sosyal" nito kumpara sa iba, tulad ng bitcoin at ether. Ito ay magkasanga sa dalawang bagong katangian ng token. Ang una ay isang pool ng mga token na inilaan para sa simpleng paglikha ng nilalaman at curation (na tinatawag na "rewards pool"). Ang pangalawa ay isang sistema ng pagboto na nile-leverage ang karunungan ng mga tao na suriin ang kahalagahan ng mga nilalaman at mamahagi ng mga token dito. Ang dalwang natatanging katangian nito ay pag pinagsama ay maihahambing sa Proof-of-Brain, na kung saan ay base sa isang entender sa Proof-of-Work 4, na sinandya upang bigyang-diin ang kilos ng tao para ipamahagi ang mga token sa mga kasapi ng komunidad. Ang Proof-of-Brain ay pinosisyon ang STEEM bilang isang kasangkapan para sa pagtatayo ng habang-panahon na paglaki ng komunidad, na kung saan hinihikayat ang kanilang miyembro na magdagdag ng halaga sa komunidad sa pamamagitan ng pagbuo sa istraktura ng gantimpala.
Bukod sa pag-unlad na ito sa blockchain at token na teknolohiya, ang Steem bilang isang sistema ay nagbibigay ng karagdagang maunlad na mga tampok upang pahusayin ang karanasan ng user, tulad ng recovery ng mga ninakaw na Account 5, serbisyo ng escrow, ipi-nromote ng user ang nilalaman, isang sistema ng reputasyon, at savings account. Itong lahat ay magagawa sa loob lamang ng tatlong segundong kompirmasyon at walang bayad sa lahat ng transaksyon ng mga user. Ang lahat ng ito ay pinapayagang sumuporta sa misyon na magdala ng matalino at sosyal na pera para sa mga publisher at sa mga bumubuo ng mga kumunidad sa Internet.
Ang mga sistema ng token na nagbibigay gantimpala sa mga user habang sila ay nagaambag sa isang sistema ng kumunidad na nakabase din sa token ay nangangailangan ng mekanismo sa pagtatayo at pagsusuri sa halaga ng nilalaman: tinatawag namin itong "Proof-of-Brain."
Isa sa mga pinakabago (at pinaka-hindi maunawaan) na mga aspeto ng Steem blockchain ng "Rewards Pool" mula sa kung aling mga token ang ipinamamahagi sa mga mahalagang manunulat ng nilalaman. Para maintindihan kung ano ang Rewards Pool, dapat maunawaan na ang mga token ay ginagawa sa iba't ibang DPoS na mga blockchain kaysa sa PoW na mga blockchain. Sa tradisyonal na mga PoW blockchain, ang mga token ay regular na pino-prodyus ngunit binabahagi ito na hindi pinipili ang mga tao kung saan ang kanilang mga makinarya ay gumagawa ng pagtatrabaho ("miners").
Iba sa PoW-only na mga cryptocurrency, ang mga token sa Steem ay nabubuo sa tiyak na rate ng bawat isang bloke sa loob ng tatlong segundo. Ang mga token na ito ay ibinabahagi sa maraming aktor mula sa base ng sistema ayon sa mga alituntunin na nakalagay sa blockchain. Ang mga aktor na ito ay ang mga gumawa ng nilalaman, mga saksi, mga curator na nag kukumpitensya sa mas-espesyal na paraan para sa mga token. Hindi tulad kung paano nagbabahagi ang tradisyonal na PoW, kung saan ang mga minero ay nagkukumpitensya gamit ang computer power, ang mga aktor sa Steem network ay nabibigyan ng insentibo para sa paraang makadadagdag ng halaga sa network.
Ang rate ng pag-gawa ng mga bagong token ay nakaset sa 9.5% kada taon simula noong Desyembre 2016 at unti unting bumababa sa rate na 0.01% bawat 250,000 na mga bloke, o mga nasa 0.5% kada taon. Ang paglobo ay patuloy na bumababa sa rate na nakasaad hanggang umabot ito ng 0.95%, hangang panahon na tinatayang 20.5 na taon.
Ng supply ng mga bagong token na ginagawa ng Steem blockchain taon-taon, 75% nito ay nasa "rewards pool" na binabahagi para sa mga gumagawa ng nilalaman at mga curator ng nilalaman. Ang 15% ay binabahagi sa naka-vest na mga holder ng token, at ang 10% ay binabahagi sa mga Saksi, ang mga predyuser ng bloke ay nakikipagtulungan sa loob ng Steem DPoS consensus na protocol.
Ang mga user na nagpo-prodyus ng mga nilalaman ay nagdadagdag ng halaga sa network sa pamamagitan ng paggawa ng kasangkapan na nakakahikayat sa mga bagong user para pumasok sa plataporma, pati narin sa pagpapanatili sa dati nang mga user ay nakikihalobilo at nalilibang. Tinutulungan nito ang pagbabahagi ng pera sa malawak na kumpol ng mga user at pinapalawak ang epekto sa network. Ang mga user na bibigay ng oras para magsuri at bumoto sa mga nilalaman ay may mahalagang papel na ginagampanan para sa pagbabahagi ng pera sa mga user na nagdaragdag ng higit na halaga. Ang blockchain ang nagbibigay gantimpala sa parehong mga aktibidad na may kaugnayan sa kanilang halaga na base sa pinagsamang karunungan ng madla na nakinolekta sa paraan ng stake-weighted na pagboto.
Ang Steem ay nag-ooperate batay sa isang-STEEM, isang-boto. Sa ilalim ng modelong ito, ang mga taong pinaka nag-ambag sa plataporma, sa sukat ng balanse ng kanilang account, ay karamihan na maimpluwensiya sa kung paano ang kontribusyon ay pumuntos. Ang Stake ay maaaring binili o nakuha. Ang mga user ay hindi makakakuha ng dagdag na impluwensya sa pamamagitan ng pag-gawa ng maraming account dahil ang isang account na mas madami ang stake ay pareho lang ng impluwensya sa magkaibang account na may parehong dami ng stake. Ang tanging paraan para sa mga user upang madagdagan ang kanilang impluwensya sa plataporma ay dagdagan ang kanilang stake.
Bukod pa rito, ang Steem lamang ang nagtutulot sa mga miyembro na bumoto sa STEEM kapag ito ay nakatuon sa 13 na linggo ng vesting iskedyul na tinatawag na Steem Power. Sa ilalim ng modelong ito, ang mga miyembro ay may isang pinansiyal na insentibo upang bumoto sa paraang magpapakinabang sa pangmatagalang halaga ng kanilang STEEM.
Ang steem blockchain ay naka desenyo upang maging isa sa pinaka mabilis at pinaka mahusay sa mga blockchain na umiiral na, kung saan kinakailangan na masuportahan ang bilang ng inaasahang trapiko sa isang social medya na plataporma mas malaki kesa sa sukat ng Reddit. Ang Steem ay nalagpasan na ang Bitcoin sa bilang ng mga transaksyon, at kayang i-iskala ang suporta sa mahigit 10,000 na mga transaksyon kada segundo.
Madalas na halos umapaw dahil sa Proof-of-Work (PoW)6, maraming mga blockchain ang hindi makapag iskala ng higit sa tatlong transaksyon kada segundo, na maliit na bahagi na trapiko ng pinansyal sa buong mundo. Ang Steem ay kinakailangan ng higit pang iskala at bilis kaysa sa iniaalok ng PoW, at para sa isang hindi gaanong kilalang algoritmong tinatawag na Delegated Proof of Stake (DPoS) 7 ay ini-leverage upang ilatag ang pundasyon para sa isang blockchain na angkop para sa bilyun-bilyong mga gumagamit.
Dahil sa DPoS, ang Steem blockchain ay nakakapag buo ng bagong bloke kada 3 na segundo sa pinaka mababang komputasyon. Nangangahulugan ito na ang blockchain ay kayang magproseso ng mga transaksyon ng mas marami at magdaos ng marami pang impormasyon, kabilang ang nilalaman.
Sa pamamagitan ng pagtukoy ng mga patakaran para kapag nagkaroon ng isang Hardfork, ang mga saksi na nahalal sa loob ng balangkas ng DPoS ay mabilis at episyente na makakapagpasiya kung oo o hindi susulong nang may isang iminumungkahing hardfork, sa pagpapahintulot ng Steem blockchain protocol na lumago ng mas mabilis kaysa sa karamihan. Ang Steem blockchain ay may matagumpay na na-fork ng 18 na beses 8, at bawat oras na naganap ang isang Hardfork, isang solong chain lamang ang nanindigan matapos ang pag fork.
ChainBase 9 ay ang bahagi ng database ng mga salansan ns blockchain at pinalitan ng Graphene 10 noong 2016. Ang ChainBase ay mas mabilis ang load at pag-exit, sinusuportahan ang mag kahilera na access sa database at mas matibay sa mga pagbagsak kaysa sa kanyang hinalinhan. Hindi rin mas-madalas na co-corrupt ang database nito, pinapayagan ang instant na "snapshotting" ng buong estado ng database at makapaglilingkod sa higit pang mga kahilingan ng RPC mula sa parehong memory.
Ang AppBase ay ang unang hakbang sa paglikha ng maramihang-kadena ng FABRIC. Ang AppBase ay nagbibigay-daan sa maraming mga bahagi ng Steem blockchain na maging modular sa pamamagitan ng paglikha ng mga karagdagang hindi-konsensus na mga blockchain bilang inilaan na mga plugin. Ang mga plugin ay maaring i-update ng mas mabilis dahil hindi na nila kinakailangang isaulit ang kabuuan ng blockchain. Ginawa nito ang steemd11 na mas mahusay at mas madali upang mapanatili at masukat.
Sa tuwirang pagsasalita, ang Appbase ay nagbibigay-daan sa iba't ibang mga core, o iba't ibang computer, na mapanatili ang magkakaibang bahagi ng Steem blockchain. Ito ay makabuluhanang mas mahusay kaysa sa pangangailangan ng bawat core, at bawat kompiyuter sa isang network na nagpapanatili nang buong blockchain. Ang pag modularize ng blockchain ay magbibigay-daan dito upang makapakinabang sa modular na kalikasan ng mga kompiyuter. Ito ay isa sa mga kinakailangang hakbang sa mahabang proseso ng paglikha ng isang buong hilera, buong pag-optimista na blockchain.
Ang Steem blockchain ay naghahatid ng dalawahang layunin ng pagiging isang dihital na token ng processing system, pati na rin isang mainstream social media platform. Ang mga tampok na inaalok ng blockchain ay kailangang suportahan ang parehas na layunin, at magbigay sa mga user ng isang world class na karanasan kapag ginagamit ang parehong aspeto ng plataporma.
Ang Steem ay nag aalok sa mga user ng katangitanging abilidad na makapaglathala at makapag-imbak ng iba't ibang uri ng nilalaman direkta at permanente sa hindi mababagong ledger ng blockchain bilang isang tekstong walang pormat. Sa sandaling ito ay ma-imbak sa blockchain, ang data ay nagiging pampubliko para sa mga developer upang makapagbuo mula rito. Ang mga developer ay maaaring makipag-ugnayan sa mga nilalaman direkta sa blockchain gamit ang mga maaring gamitin na APIs. Ilan sa mga primitibong developer ng blockchain ay kayang bumuo mula sa mga pangalan ng akawnt, mga post, mga comment, mga boto at balanse ng akawnt.
Ang mga address ng wallet ay ginagamit ng maraming teknolohiya ng blockchain, tulad ng Bitcoin at Ethereum, mayroong istorikal na nag lalaman ng mahabang string at halo halong letra at numero, gayunman, ang mga address ng wallet na ito ay maaring maging mahirap sa pag transaksyon sa ibang mga user sa tipikal na online-social-media na konteksto dahil ang mga user ay hindi matatandaan ang maahabang string na address sa kanilang isip. Ang Steem blockchain ay gumagamit ng user name ng bawat kalahok bilang address ng kanilang wallet, na kung saan pinagiibayo ang karanasan ng user para sa mga kalahok na nagtatangka na magpadala ng mga token dahil kaya nilang tandaan ang mga address mula sa kanilang sariling memorya.
Maraming mga user na ipinakilala sa cryptocurrency ang nahihirapang unawain kung paanong ang "magic internet token" na ginawaran ng plataporma ay talagang maaring magkaroon nag halaga na nauugnay sa tunay na mundo. Upang matulungang matanggal ang puwang sa pagitan ng mga mas tradisyunal na sistema sa lapad na pera na ginagamit ng mga user ng mainstream, at ang mga token ng cryptocurrency na siyang ipinagkakaloob sa pamamagitan ng mga plataporma, isang bagong pera na tinatawag na Steem Blockchain dollar (SBD) ang nilikha.
Ang SBD token ay dinisenyo upang maging paltak na malapit sa isang USD, upang ang mga user na nakatanggap sa kanila ay malaman kung gaanong ang humigit-kumulang ay nagkakahalaga sa "tunay na dollar" na kataga. Ang SBD na mga token ay nag-aalok din ng relatibo't matatag na currency para sa mga user upang hawakan kung sila ay naghahanap ng pangangalagaan na account na kaparehas ng value sa USD. Ang mas detalyadong teknikal na paliwanag ay matatagpuan sa Steem technical na whitepaper.12
Ang Steem blockchain ay nag-aalok ng isang desentralisadong palitan ng token, katulad ng palitang Bitshares.13 Ang palitan ay nagtutulot sa mga user na magpalit ng kanilang STEEM at SBD token gamit ang pangpubliko't desentralisadong peer-to-peer na merkado. Ang mga user ay maaring bumili o mag benta ng mga order, at pagpaparehas ng order ay awtomatikong isinasagawa ng blockchain. Meron ding magagamit na pangpublikong order book at kasaysayan ng order na magagamit ng user para pag-aralan ang merkado. Ang mga user ay maaringmakihalubilo sa mga palitan direkta gamit ang API ng blockchain, o gumamit ng GUI katulad ng isa sa Steemit.com.14
Ang hindi mapapawalang bisa sa katangian ng mga transaksyon ng blockchain ay napakaimportanteng tampok para sa seguridad, kahit maraming mga kaso na ang mga user ay hindi komportable sa pagpapadala ng kanilang mga token sa ibang indibidwal na walang paraan para maibalik ito kapag ang user ay walang hinahawakan na katapusan ng kasunduan. Ang Steem blockchain ay nagbibigay ng isang paraan para sa mga user na makapagpadala ng pera sa isa't isa gamit ang isang third party na itinalaga bilang serbisyong escrow. Ang ganap ng user kapag ang serbisyong escrow ay na determina ang termino ng kasunduan ay natugunan, at maaring payagan na ang pondo ay mailabas para sa tatanggap o ibabalik sa sender.
Ang Steem ay naghahatid una sa uri nitong hirarkikong pribadong key system upang mapadali ang transaksyon ng mababang seguridad at mataas na seguridad. Ang mga transaksyon ng mababang seguridad ay madalas na maging panlipunan, katulad ng pag po-post o pag kokomento. Ang mga transaksyon ng Mataas na seguridad ay nagsisilbing ilipat at baguhin ang key. Pinapahintulutan nito ang mga user na gumamit ng iba't ibang antas ng seguridad para sa kanilang mga key, nakadipende sa access na painapahintulutan ng key.
Ang mga key na ito ay ang Posting, Active at Owner. Ang posting key ay nagpapahintulot sa mga account na makapag post, makapag comment, edit, bumoto, at mag resteem15, at mag-follow/mute sa ibang mga account. Ang active key ay sinandya para sa lalong sensitibong gawain tulad ng paglipat ng mga pondo, pag transaksyon ng power up/down, pag palit ng Steem Dollars, pag boto sa mga witness, pag lagay ng order sa marketa, at pag reset ng posting key. Ang owner key ay sinadya lamang upang gamitin pag kinakailangan. Ito ang pinaka makapangyaring key dahil kaya nitong baguhin ang kahit anong key ng isang account, kasama ang owner key at para patunayan ang pagaari kapag ire-recover ang account. Kung iisipin ito dapat ay nakalagay ng offline, at gagamitin lamang kung ang key ng account ay kailangang baguhin o para bawiin ang nakompromisong account.
Ang steem ay pinapadali din naman ang paggamit ng isang Master password na nagsasakripta sa lahat ng tatlong mga key. Ang mga Webservice ay maaring gamitin ang isang Master Password na nag-dedecrypt at nag sa-sign sa kinakailangan na pribadong key. Ang mga Master Password ay papahintulutan ang mga user na pagkatiwalaan ang ilang mga serbisyo upang pigilan ang mga hindi wastong mga key na mailipat sa kahit anong server, kaya naman ang pagpataas ng karanasan ng user habang pinapanatiling ligtas ang kapaligiran ng client-side na pag-sign in.
Ang Steem blockchain ay nagpapahintulot sa isang awtoridad na mahati sa kabuuan ng maramihang entity, kaya ang maramihang user ay maaring makihati sa parehong awtoridad, o maramihang entity ay kinakailangan upang mapahintulutan ang isang transaksyon para ito ay maging balido. Ito ay ginagawa sa paraang katulad ng Bitshares16 na kung saan ang bawat public/private na key na pares ay nagaatas ng timbang, at isang hangganan ay tinukoy para sa awtoridad. Para ang isang transaksyon ay maging balido, lumagda ng sapat na entidad upang ang pinagsama sama nilang bigat ay makatugon o lumagpas sa limitasyon.
Para sa anumang partikular na post ay maaring mayroong bilang ng iba't ibang tao na may pinansyal na interes sa mga gantimpala. Kabilang dito ang may-akda, posibleng kasamang may-akda, nagsangguni, hosting provider, mga blog na nakapaloob sa mga komento sa blockchain, at kasangkapan ng mga developer. Kahit anong website o kagamitan na ginamit para bumuo ng post o ng komento ay may abilidad na magtakda kung paano ang gantimpala mula sa komento ay maibabahagi sa iba't ibang partido. Ito ay nagpapahintulot sa iba't ibang anyo ng kolaborasyon, pati narin sa isang paraan para sa plataporma na binuo sa ibabaw ng Steem blockchain na makakulekta ng bahagi ng gantimpala mula sa kanilang mga user.
Ang Smart Media Tokens ay katutubong token na maaring mabuo sa Steem blockchain. Ang STEEM ang kaunaunahang SMT na umiral, at ang Smart Media Token na protokol ay naglalayon na gawing pera ang nilalaman ng mga website at mga application sa kabuuan ng web sa pamamagitan ng pagpahintulot sa tao na gumawa ng mga token na nagtataglay ng mga katangian na kapareho ng STEEM, ngunit na-cocustomize para umangkop sa pangitain ng kahit na anong online na komunidad sa pamamagitan ng di-insentibong asal, ang tuwirang pag replika sa katagumpayan ng STEEM sa anumang website o application. Maraming teknikal na mga detalye ang makikita sa whitepaper ng Smart Medya Tokens17.
Kung ang isang account ng user ay makompromiso, maaari nilang palitan ang kanilang mga key gamit ang kanilang pribadong owner key. Sa kaganapan naman na ang salarin ay nagawang ikompromiso ang pribadong owner key at baguhin ang password sa account, ang user ay may 30 na araw para mag sumite ng dating gumagana na pribadong key sa pamamagitan ng industry-first stolen account recovery process ng Steem, at pabawi ang kontrol sa kanilang account. Ito ay maaring ialok ng isang tao o kumpanya na nagbibigay ng serbisyo sa rehistrasyon sa Steem. Ityo ay hindi sapilitan para sa registrar na magbigay ng ganitong serbisyo sa mga user, subalit ito ay maari upang taasan ang halaga ng karanasan ng user ng registrar.
Kung ang active o owner key ng user ay makompromiso, ang salarain ay maaring magkaroon ng ganap na access sa lahat ng pondo ng kanilang account. Dahil ang mga transaksyon sa blockchain ay hindi na mapapawalang bisa, ang mga user ay wala nang paraan para mabawi ang kanilang pondo pagkatapos na ito ay manakaw.
Ang Steem blockchain ay nagtutulot sa mga user na i-imbak ang kanilang STEEM at SBD na mga token sa isang Savings account, kaya ang mga pondo ay hindi ma wi-withdraw hangang matapos ang tatlong araw na paghihintay. Bukod pa rito, ang STEEM na hawak ng 13 lingong vesting skedyul ay maari lamang ma-withdraw sa rate na 1/13 kada lingo, pagkatapos ng paghihintay ng pitong mga araw. Ang time-locks na ito ay para maiwasan ang mga salarin na ma access ang buong bahagi ng pondo ng user ng agaran, kaya ang tunay na owner ay may oras pa para mabawi ang kontrol sa kanilang account bago tuluyang ma-withdtaw ang lahat ng pondo.
Dahil ang mga witness ay binabayarang ganap sa pamamagitan ng paglikha ng mga bagong token, hindi na kailangang singilin ang mga user ng kabaran para sa pagpapalakas ng blockchain. Ang tanging dahilan para maningil ng kabayadan ay ang magiging batayan para maiwasan na ang mga user na makumpleto ang di makatwirang halaga ng mga transaksyon, na maaring maka apekto sa pagsasagawa ng blockchain.
Upang makapaglagay ng makatuwirang limitasyon sa paggamit ng sistema, bawat user ay binigyan ng limitadong bandwidth. Tuwing ang mga user ay magsasagawa ng operasyon sa blockchain katulad ng paglilipat ng token, pagpaskil ng nilalaman, pag boto, ginagamit nito ang ilang bahagi ng kanilang bandwidth. Kung ang user ay lumagpas sa allowance ng kanilang bandwidth, kailangan nilang maghintay para makagawa ng karagdagang aksyon hangang ang kanilang bandwidth ay makapanumbalik.
Ang limitasyon ng bandwidth ay nakaayos batay sa paggamit ng network, kaya ang user ay may mas mataas na allowance kung ang paggamit ng user sa network ay mababa. Ang halaga ng bandwidth na pinapayagan sa isang account ay direktang proporsyonal sa halaga ng Steem Power na mayroon ang user, kaya ang mga user ay maaring mag taas ng allowance ng kanilang bandwith sa pamamagitan ng pagdaragdag ng Steem power.
Ang natatanging mga gantimpala at insentibo na programa ay inaalok ng Steem blockchain at ang token ay dinisenyo upang ihatid ang Steem sa tunay napagrampa sa cryptocurrency para sa mga mainstream user. Ang pagganap ng blockchain ay dinisensyo na may tumpok ng malawakang adopsyon ng currency at ng plataporma sa isip. Kapag sinamahan ng bilis ng kidlat sa orras ng pagproseso at libreng mga transaksyon, ang Steem ay nakaposisyon na maging isa sa nangungunang blockchain na teknolohiya na ginagamit ng mga tao sa buong mundo.
1. Delegated Proof of Stake Position Paper. Grigg, 2017. https://steemit.com/eos/@iang/seeking-consensus-on-consensus-dpos-or-delegated-proof-of-stake-and-the-two-generals-problem ↩
2. To differentiate it from the term for its blockchain, the correct spelling of Steem’s native digital token is STEEM. ↩
3. Transaction Volumes: Transactions Per Second Report. Steem Witness and user “@roadscape”. https://steemit.com/blockchain/@roadscape/tps-report-2-the-flippening ↩
4. Proof-of-Work. Wikipedia. https://en.wikipedia.org/wiki/Proof-of-work\_system ↩
5. Stolen Account Recovery initiation for Steemit.com users: 07-13-2017 https://steemit.com/recover\_account\_step\_1 ↩
6. Bitcoin Scalability Problem https://en.wikipedia.org/wiki/Bitcoin\_scalability\_problem ↩
7. DPoS Whitepaper https://steemit.com/dpos/@dantheman/dpos-consensus-algorithm-this-missing-white-paper ↩
8. https://steemit.com/steemit/@steemitblog/proposing-hardfork-0-20-0-velocity ↩
9. ChainBase Release https://steemit.com/steem/@steemitblog/announcing-steem-0-14-4-shared-db-preview-release ↩
10. Graphene Documentation http://docs.bitshares.org/ ↩
11. The component of the Steem blockchain framework responsible for processing transactions and the distribution of rewards. ↩
12. Steem Whitepaper https://steem.io/SteemWhitePaper.pdf ↩
13. Bitshares Decentralized Exchange http://docs.bitshares.org/\_downloads/bitshares-general.pdf ↩
14. Steemit.com Currency Market https://steemit.com/market ↩
15. “Resteem” is the term used in the Steem blockchain for when a user shares the content with their followers. ↩
16. Bitshares Flexible Identity Management http://docs.bitshares.org/\_downloads/bitshares-general.pdf ↩
17. Smart Media Tokens Whitepaper https://smt.steem.io/smt-whitepaper.pdf ↩